Sa bawat butil ng bigas, sa bawat prutas at gulay na ating kinakain, naroon ang pawis, sakripisyo, at dedikasyon ng mga magsasaka at manggagawang bukid. Kayo ang tunay na bayani ng ating bayan, ang pundasyon ng ating pagkain at kabuhayan.
Sa araw na ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang paggawa, kahit sa tirik ng araw o lakas ng ulan. Ang inyong sipag at tibay ang nagpapanatiling buhay at masigla ng ating mga komunidad.
Nawa’y pagpalain kayo ng kalusugan, lakas, at kasaganaan. Ang inyong kontribusyon ay hindi matutumbasan, at hindi malilimot.
Maraming salamat at pagpupugay sa inyong lahat! 🌾👨🌾👩🌾